Friday, June 12, 2020

ASISAKAPABA?: "KUNG HINDI PINATAY SI NINOY"

Ito na ang kahuli-hulihang kolum na nasa aking kalipunan ng "Asisakapaba" clippings. Di nagtagal pagkatapos nito ay lumipat na ako sa ibang publikasyon--bilang editor in chief ng National Midweek Magazine, kung hindi nagkakamali ang aking senior citizen memory. At halos dalawang taon pagkatapos lumabas ang kolum na ito ay nagwakas na ang batas militar ni Ferdinand Marcos sa Pilipinas.



ASISAKAPABA?
ni Jose F. Lacaba
Unang nalathalaha sa lingguhang tabloid
na Star! sa Pilipino, Agosto 22-28, 1984

KUNG HINDI PINATAY SI NINOY?

Kung hindi pinatay si Ninoy noong Agosto 21, 1983, ano na kaya ang anyo’t hugis ng pulitikang Pilipino sa ngayon? Magkakaroon kaya sa ating mga kalye ng mga rali’t demonstrasyong nilalahukan ng libu-libo, daan-daang libo at milyon-milyong katao? Mamumukadkad kaya ang rebolusyong kompeti sa Makati? Lalahok kaya ang maraming burgis at panggitnang uri (middle class) sa mga aksiyong masa? Magtatalo kaya ang Oposisyon tungkol sa boykot at partisipasyon? Lulubha kaya ang krisis sa ekonomiya at pulitika?

Ang sagot ay depende sa iba pang posible gawin kay Ninoy. Sa tingin ni Ninoy mismo, may tatlo pang posibilidad: hindi siya gagalawin; ilalagay siya sa house o hospital arrest; o ibabalik siya sa bilangguan, malamang ay sa bartolina.

Kung hindi pinatay si Ninoy at sa halip ay pinabayaan na lamang siya ng naghaharing rehimen, malamang ay kakandidato siya o mangangampanya para sa mga kandidato sa Batasang Pambansa. Ewan ko lang kung makukumbinsi niya sina Senador Tañada at Diokno na huwag magboykot, pero sa husay ng kanyang bokadura ay tiyak na mas marami siyang mahihila sa panig ng partisipasyon.

Kung hindi siya dadayain sa eleksiyon, tulad ng ginawa sa kanya noong 1978, tiyak na ngayon ay isa na siya sa ating mga MP o Mambabatas Pambansa. Baka sa tulong niya ay mas marami kaysa ngayon ang mahahalal na oposisyonista, pero pupusta ako na mananatili sa mayorya ang KBL [Kilusang Bagong Lipunan] sa Batasan. Pupusta rin ako na hindi bibitiwan ni Ginoong Marcos ang Amendment 6. Sa madaling salita, wala ring gaanong magagawa si Ninoy sa loob ng Batasan, bukod sa magtalumpati. Pero ang mga talumpati niya’y ni hindi malalathala sa malalaking peryodiko ng Establisimyento.

Kung hindi pinatay si Ninoy pero ipinasok siya sa bilangguan, o kaya’y ibinilanggo sa sarili niyang bahay o sa isang ospital, sa pagkakataong ito, palagay ko, magkakaroon ng malakas na protesta’t panawagang palayain si Ninoy Aquino. Di tulad noong unang pagkakabilanggo ni Ninoy, ngayon ay organisado na ang Task Force Detainees, MABINI [Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity, and Nationalism] at iba pang human rights organizations na lakas-loob na nagbibigay-pansin sa mga isyu ng di-makatwirang detensiyon, militarisasyon, panunupil sa mga demokratikong karapatan, atbp.

Habang nasa bilangguan si Ninoy, posibleng patuloy na lalawak ang kilusang protesta. Pero ang paglawak ay magiging dahan-dahan, utay-utay, paunti-unti—na siyang nangyayari bago napatay si Ninoy. At sa kilusang ito’y hindi gaanong masasangkot ang mga empleyado’t negosyante ng Makati; sa halip, ang mga kalahok ay manggagaling sa hanay ng mga manggagawa, magsasaka, estudyante, at ilang propesyonal na tulad ng guro, doktor, abogado, pari’t madre, at maging alagad ng sining—na pawang organisado na’t kumikilos bago pa man pinatay si Ninoy.

Kung hindi pinatay si Ninoy, paekstra-ekstra pa rin sa pelikula si Butz Aquino, pabliser pa rin ng magasing panturista si Max Soliven, walang prodyuser na magkakainteres sa Sister Stella L, at kung mayroon man ay hindi ito lulusot sa mga sensor, at hindi mauuso ang paghuhulog ng kompeti at pagwawagayway ng bandilang dilaw.

Gayunman, sinasabi ng mga ekonomista na pinatay man si Ninoy o hindi, talagang papabulusok na ang ekonomiya ng bansa. Ito’y dala ng pagsasamantala at di-makatarungang imposisyon ng IMF, World Bank at mga kompanyang multinasyonal, bagay na pinalala ng pangungurakot ng mga nasa poder at mga kroni nila. Pero sa tantiya ng mga ekonomista, kung hindi pinatay si Ninoy ay mararamdaman lamang natin ang krisis sa ekonomiya mga isa o dalawang taon mula ngayon.

Sapagkat sa malao’t madali ay lulubha ang krisis sa ekonomiya, sa malao’t madali ay tatamaan ng krisis ang mga burgis at panggitnang uri. Kaya, sa malao’t madali, posibleng masasangkot din ang mga ito sa kilusang protesta.

10 comments:

Andeng Arce - Domingo said...

Magandang araw po Sir Pete Lacaba! isa po akong masugid na taga hanga ng inyong panulat mula pa noon.. at kung natatandaan nyo po (alam ko pong baka hindi na), noong 2009 ay nakausap ko po kayo ng personal sa Pateros at nagpalitan po tayo ng dyaryong nakalimbag ang artikulo ukol kay Ka Eman, ako naman po ay binigyan nyo ng inyong aklat "Kung Baga sa Bigas".. estudyante lamang po ako noon nangangarap maging isang manunulat.. ngayon po ay naglilingkod na ako sa bayan ng Pateros bilang taga-sulat ng mga batas.. nag-email po ako sa inyo noong 2018, hindi po ako sigurado kung inyong tatanggap.. nais ko po sana kayong makausap :) salamat po! ito po ang email ko - andreaarce.vmopateros@gmail.com

Ka Pete said...

Andeng, pasensiya na, hindi ko nasagot itong comment mo. Hindi na ako regular na nakakapagbukas ng email ngayong panahon ng pandemya. Sige, sagutin kita sa email.

MY SITE said...

Hi there, just became alert to your blog through Google, and found that it is really informative. I am gonna watch out for brussels. I’ll appreciate if you continue this in future. Lots of people will be benefited from your writing.

야한동영상
대딸방
마사지블루
건마탑
바카라사이트

baccaratsite.top said...

I wanted to thank you for this excellent read!! I definitely loved every little bit of it. I have you bookmarked your site to check out the new stuff you post. I am writing on this topic, so I think it will help a lot. I leave my blog address below. Please visit once.!
바카라사이트

sportstototopcom said...

Pretty great post. I simply stumbled upon your blog and wanted to mention that I have really loved surfing around your blog posts.
스포츠토토

Anonymous said...

شركة تنظيف مطابخ بالرياض رائدة في تقديم خدمات تنظيف شاملة ومتكاملة للمطابخ المنزلية والتجارية. نحن نستخدم أحدث التقنيات وأفضل المواد لضمان تنظيف عميق يزيل الدهون والأوساخ المتراكمة

Anonymous said...

وايت شفط بيارات بالجبيل لديه القدرة الهائلة في شفط و تنظيف البيارات، فلا شك أن مشاكل الصرف لا تنتهي لذا لابد من الاتصال بالشركة المناسبة والمتخصصة في مجال المجاري حتى يتم التعامل مع المشكلة بجودة وكفاءة عالية مع افضل فريق عمل وارخص الاسعار وايت شفط بيارات بالجبيل

Anonymous said...

عزيزي العميل لو كنت تبحث على أفضل شركات مضمونة في مجال صيانة وتنظيف المكيفات بمختلف أنواعها وأحجامها وماركاتها، فنحن نقدم لك الشركة العالمية والرائدة في هذا المجال شركة تنظيف مكيفات بالدمام

speed-way said...

دينا نقل عفش حي عرقه في شركة speedway هو الاختيار المثالي لك لنقل اثاثك حيث توفر لك دينا نقل عفش حي عرقه أحدث تقنيانات تحميل وتعبئة الأثاث في دينات نقل عفش .
دينا نقل عفش حي عرقه

شركة كلينر للتنظيف said...

اذا كنت تبحث عن شركه تنظيف خيام بالرياض موثوقة لتنظيف خيام بالرياض فلابد من تجربة خدمات شركه كلينر بالرياض التى تعتبر خيارك الأمثل نحو خدمات التنظيف.
شركة تنظيف خيام بالرياض