Tuesday, December 30, 2008

Brecht: SA MGA IPAPANGANAK SA HINAHARAP

The closing film of the recent Active Vista filmfest, as I mentioned in an earlier blog, was Signos, a 40-minute super-8 documentary made circa 1985 by the Concerned Artists of the Philippines. Although the filmfest flyers describe this as a film “by Mike de Leon,” the film itself, in its end credits, attributes authorship to a collective body: “Pelikula nina Mike de Leon, Jose F. Lacaba, Sylvia Mayuga, Ricardo Lee, Ding Achacoso, Joe Cuaresma, Lito Tiongson, Jovy Zarate.”

I got to see Signos again on DVD, just a few days before the Active Vista filmfest, and about 23 years after the documentary was made. I must confess I can no longer remember what exactly my contribution to the project was, but I guess, on the basis of the film itself, that it consisted primarily of my translation of a Bertolt Brecht poem, “Sa mga Ipapanganak sa Hinaharap,” which was used as a voice-over in lieu of a narration. The poem reader is not credited in the film, but I understand that the voice heard in various sequences belongs to Peping Almojuela, who, along with Mike de Leon, is credited as my co-writer on Sister Stella L.

Coincidentally, just a few days before the Active Vista screening of Signos, I had been asked to read my translation of this same poem at a small gathering sponsored by the Institute of Political Studies, a nongovernment organization. My reading of that translation—along with “Kalayaan ang Kanin ng Bayan,” my adaptation, or halaw, of another Brecht poem—served as the front act for a talk on Brecht given by David Adamson, a stage actor and Brecht specialist from Australia.

Here's the poem, originally titled
“An die Nachgeborenen” in German, and variously translated into English as “To Posterity” and “To Those Who Follow in Our Wake.”


Sa mga ipapanganak sa hinaharap

Ni Bertolt Brecht


Talagang madilim itong aking panahon.
Ang pagsasabi ng tapat ay katangahan. Ang makinis na noo
Ay tanda ng walang pakiramdam. Ang tumatawa
Ay hindi pa nakakarinig
Sa masamang balita.

Ano bang panahon ito, na
Ang mag-usap tungkol sa punongkahoy ay halos isang krimen
Pagkat ito’y pananahimik tungkol sa napakaraming kabuktutan!
Ang isang iyon na kampanteng tumatawid ng kalye
Ay hindi kaya nakalimot na sa kanyang mga kaibigang
Nagigipit?

Totoo: kumikita pa rin ako.
Pero maniwala kayo: aksidente lang ito. Wala
Akong ginawa na nagbibigay sa akin ng karapatang magpakabusog.
Nagkataon lang na hindi ako ginalaw. (Pag ubos na ang suwerte ko,
Lagot ako.)

Sabi nila: Kumain at uminom! Pasalamat at meron!
Pero paano ako makakakain at makakainom, kung
Ang pagkain ko’y inagaw sa nagugutom at
Ang tubig ko’y pag-aari ng namamatay sa uhaw?
Pero kumakain ako’t umiinom.

Gusto ko ring maging matalino.
Sa mga lumang libro mababasa kung ano ang katalinuhan:
Ang umiwas sa gulo ng mundo at mamuhay sa maikling panahon
Nang walang pangamba,
Huwag maging marahas,
Gantihan ng kabutihan ang kasamaan,
Maging manhid sa mga pagnanasa--
Iyan ay itinuturing na katalinuhan.
Lahat ng ito’y hindi ko magagawa:
Talagang madilim itong aking panahon.


II

Dumating ako sa lunsod sa panahon ng kaguluhan
Nang laganap ang gutom.
Naratnan ko ang mga tao sa panahon ng himagsikan
At naghimagsik akong kasama nila.
Sa gayon lumipas ang panahong
Kaloob sa akin sa daigdig.

Kumain ako sa pagitan ng mga labanan.
Natulog ako sa pagitan ng mga mamamatay-tao.
Ang pag-ibig ay binale-wala ko
At ang kalikasan ay hindi ko pinagtiyagaan.
Sa gayon lumipas ang panahong
Kaloob sa akin sa daigdig.

Mga kalye’y patungong kumunoy noong aking panahon.
Isinuplong ako sa berdugo ng aking pananalita.
Wala akong gaanong magawa. Pero kung wala ako,
Napapanatag ang mga naghahari: umasa ako diyan.
Sa gayon lumipas ang panahong
Kaloob sa akin sa daigdig.

Kulang ang lakas. Ang patutunguhan
Ay malayong-malayo,
Malinaw na natatanaw pero malamang
Na hindi ko mararating.
Sa gayon lumipas ang panahong
Kaloob sa akin sa daigdig.


III

Kayong lilitaw mula sa baha
Na lumunod sa amin,
Kung pag-uusapan ninyo ang aming mga kahinaan,
Isipin
Din ang madilim na panahon
Na inyong natakasan.

Pagkat kami, na mas madalas magpalit ng bayan kaysa sapatos,
Ay dumaan sa tunggalian ng mga uri, nanlulumo
Kung may pambubusabos lamang at walang paghihimagsik.

At alam na alam namin:
Pati ang galit sa kaapihan
Ay nakakasira ng mukha.
Pati ang ngitngit sa pambubusabos
Ay nagpapagaspang ng boses. Ay, kami
Na nagmithing magpunla ng pakikipagkaibigan
Ay hindi naging mapagkaibigan.

Pero kayo, pagdating sa wakas ng panahong
Ang tao ay matulungin sa kapwa-tao,
Sa paggunita sa amin
Ay maging mapagpasensiya.

--Salin sa Pilipino ni Jose F. Lacaba

Mula sa kalipunang Sa Daigdig ng Kontradiksiyon: Mga Salingwika (Anvil Publishing, Maynila, 1991).

Ang ginawa kong salin sa Pilipino ay batay sa ilang saling Ingles na hindi ko na maalala kung sino-sino ang gumawa, pero nakinabang din ako sa ilang mungkahi at impormasyon na ibinigay ni Mike de Leon. Nag-aral sa Germany si Mike, at noong panahon iyon (baka hanggang ngayon) ay matatas siya sa German.

4 comments:

Anonymous said...

Napakagandang tula! Salamat sa muling paglalathala at pagpapabasa!

Ka Pete said...

Salamat din sa papuri. Si Bertolt Brecht ang unang dapat papurihan, dahil siya ang talagang sumulat ng napakagandang tula.

maypagasa said...

hiling:

meron po ba kayong salin sa pinoy kahit sipi lang ng Zarathustra ni nietzsche? sana maibahagi din

salamat po

Ka Pete said...

Maypagasa:

Pasensiya ka na. Tatlong taon ang lumipas bago ko nasagot itong tanong. Ikinalulungkot ko na wala akong salin ng kahit sipi man lang ng Thus Spake Zarathustra.