Saturday, February 16, 2008

Tagubilin at Habilin

I'm giving blogging a try, and this is my first post.

I wrote the following poem, obviously inspired by "Desiderata" and "Sunscreen," sometime in 2002 or 2003. It was commissioned by Armida Siguion-Reyna for her album POP LOLA (Viva Records, 2003). Armida's recording of the poem, with background music by Ryan Cayabyab, got a lot of airplay on Ted Failon and Korina Sanchez's program on DZMM teleradyo last year, 2007, just before the elections. Sometimes Ted himself recited the poem. In the wake of the Jun Lozada revelations in the Senate, I have been getting text messages that the poem is again getting airplay on the Failon-Sanchez show on DZMM.

This version is slightly different from the recorded version. The main difference is that the first stanza gets repeated somewhere in the middle of the poem. I'm hoping that someday the stanza will become a sung refrain, like the "You are a child of the universe" part of "Desiderata."


TAGUBILIN AT HABILIN
(Slightly revised version)
Ni Jose F. Lacaba


Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una't huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo.
Mayaman ako sa payo.

Maghugas ka ng kamay bago kumain.
Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain.
Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lang makaiwas sa sisi.
Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi
Na kaya mong tulungan.

Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma.

Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok.
Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang utang na loob.
Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo.
Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw.

Huwag kang manalig sa bulung-bulungan.
Huwag kang papatay-patay sa ilalim ng pabitin.
Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan.

Umawit ka kung nag-iisa sa banyo.
Umawit ka sa piling ng barkada.
Umawit ka kung nalulungkot.
Umawit ka kung masaya.

Ingat lang.

Huwag kang aawit ng “My Way” sa videoke bar at baka ka mabaril.
Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan.
Dahan-dahan sa matatarik na landas.
Dahan-dahan sa malulubak na daan.

Higit sa lahat, inuulit ko:

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una't huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya.
Mabuhay ka.
Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas.
Mabuhay ka.

Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan,
Kung minsan ay gusto mo nang mamatay.
Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig.
Gusto mong uminom ng lason kung wala nang makain.
Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin.
Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak.

Huwag kang patatalo. Huwag kang susuko.

Narinig mo ang sinasabi ng awitin:
“Gising at magbangon sa pagkagupiling,
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing.”
Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig.
Bumangon ka kung nananawagan ang kapuspalad.

Ang sabi ng iba: “Ang matapang ay walang-takot lumaban.”
Ang sabi ko naman: Ang tunay na matapang ay lumalaban
Kahit natatakot.

Lumaban ka kung inginungodngod ang nguso mo sa putik.
Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka.
Buong-tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinsipyo
Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo.

Mabuhay ka, kaibigan!
Mabuhay ka!
Iyan ang una't huli kong
Tagubilin at habilin:
Mabuhay ka!

43 comments:

Marne L. Kilates said...

Ka Pete,

Maligayang pagdating sa Blogosphere! Ano kaya sa Tagalog ito... Blogong Mundo?

Marne

bianca said...

is this real? ayayay! pakiramdam ko nananaginip ako! did THE "ka pete" mismo comment on my blog?! i'm not worthy, i'm really not!

oh my! maraming, maraming salamat po and, wow! welcome to the blog world! wow.

yes, paborito ko po kasi ang tambalang f&s sa dzmm, at dun ko po kinuha ang transcript ng tula ninyo.. wow.. and here now i'm reading the real thing!

and yes! kapag sinabi nilang sa buhay, merong isang guro na magpapabago ng buhay mo, that is dr. garcia in my life. you were classmates! ang liit nga naman po ng mundo.

i still can't get over it! this is really you? what an honor. thank you!

for sure i will drop by regularly. :) again, welcome to the blogging world, and GoD bless you!

edd aragon said...

BLOGEÑO NA SI KAPETE
NG LALAWIGANG BLOGAN
BA'T KA MAY TAGUBILIN
BAGONG DATING.. LILISAN?:-)

mabuhay ka pa ng 5k years!

edd^

Anonymous said...

thank you so much po! yah, i've got the copy from bianca's blog.. just forgot to mention her on my blog. I was searching po kasi about your poem and it happened that it was bianca's blog appeared. so, that was it. anyway, thank you so much po talaga! i really like the poem. i'm just wondering why it's always Armida Seguion Reyna who's interpreting your poem, hehehehe.

Unknown said...

ka pete, ang ganda po talaga nung ginawa niyong tula. isasapuso ko po ang inyong "tagubilin at habilin". mabuhay po kayo!

thea said...

ka pete,

kamusta po ang pagbo-blog? :)
nakakatuwa naman po dahil mas magiging accesible na lalo na sa kabataan ang inyong mga likha. nakita ko po ang inyong comment sa blog ni ms. bianca gonzales at natuwa dahil nakita ko muli ang inyong tula. una ko po itong nabasa sa PanPil17 class ko nung freshman palang ako sa UP Diliman. maraming salamat po sa inyong tula. maraming salamat po.

sa mas marami pang likha...

Romy said...

Hi Sir, si Roan Pena po ito. Former student niyo. Nalaman ko lang din po na may blog kayo sa entry ni Bianca G. Sa Tambalang F&S ko rin po unang napakinggan iyong tula ninyo at sa tuwing maririnig ko eh talagang kinikilabutan ako.

Sana po maging teacher ko kayo ulit, sa workshop man o sa school.

Happy blogging!

myder spider!!! said...

i really love your poem, nakaka-inspire talaga siya. mabuhay ka ka pete. thank you for moving the Filipino soul.

Eric said...

Ka Pete,I like this poem..with your permission,I will copy and post it in my blog..kung ok lang po sa inyo.
Anyway,I just found my way here kc nakita ko yung blogsite nyo na naka clip sa blog ni Bianca...

Ka Pete said...

Salamat sa lahat ng nag-comment sa tulang ito.

Opo, Ms. Bianca, ako nga ito. Nalula naman ako sa wow mo. Ikaw nga itong sikat. Subukan kaya nating maglakad sa mall. Tiyak na walang papansin sa THE "ka pete" at ikaw ang pagkakaguluhan, sa iyo magpapa-picture ang madlang pipol.

Edz, kaya si Armida Siguion-Reyna ang lagi mong naririnig na bumibigkas nito ay dahil nirekord niya ito sa kanyang CD na POP LOLA, at ang rekording niya ang madalas patugtugin sa programa nina Ted Failon at Korina Sanchez.

Romy Antonette, hindi muna ako magtuturo sa UP masscom sa darating na semester, at hindi pa ako desidido kung magtuturo pa ako. Ganado naman akong magtur. Kaya lang, nakakatamad mag-check ng papers.

Eric, you have my permission to copy this poem and post it on your blog. Paki-acknowledge lang na kasama ito sa CD na POP LOLA ni Armida Siguion-Reyna. Paki-inform din ako kung lumabas na, para matingnan ko naman ang blog mo.

Muli, maraming tenkyu sa lahat.

Antoine Greg said...

wow ka Pete...hinahangaan kita sa pagsusulat moh.

Ask q lang kung kilala mo ba si Dr. Leoncio P. Deriada ng University of the Philippines in the Visayas sa Miag-ao, Iloilo?

Isa rin siyang propesor na magaling tumula. marami daw siyang mga kakilala na Poets in the national scene...

I was 4th year hs nung sumali ako sa workshop niya sa WVCST, at nanalo ng gold for a Filipino poem.

Ka Pete said...

an2uan_greg:

Salamat sa papuri. Opo, kilala ko si Leoncio Deriada, at nagkasama na kami sa panel ng UP Writers' Workshop. Ikumusta mo ako sa kanya kung nagkikita pa kayo.

Ka Pete

mightydacz said...

ka pete,magandang araw po,hindi ko po akalain na kayo po pala ang may akda ng tulang iyan,at isa po pala syang tula,kasi una ko xiang nabasa sa pamamagitan ng sms na ipinasa sa akin, ang ibang mga pangunahing talata ay galing sa iyong tula.nagpapasalamat ako sa blog ni bianca at doon ko nabasa ng buo,kung mararapatin nyu kung pwede ko rin ipost sa blog q ang iyong tula,
salamat po,
dacz ng saudi

Ka Pete said...

mightydacz,
No problemo! You have my permission to post "Tagubilin at Habilin" on your blog. Paki-acknowledge lang na kasama ito sa CD na POP LOLA ni Armida Siguion-Reyna. Paki-inform din ako kung lumabas na, para matingnan ko naman ang blog mo.

hector_olympus said...

maraming salamat!

nawa'y hindi ninyo ikagalit kung hiramin ko at ilagay sa blog ko ang inyong komposisyon.

mabuhay ka, kaibigan!

Anonymous said...

Hi, Sir! Can I post po your poem on my blog? Sigurado po akong may matututunan ang mga kaibigan ko sa rotaract kapag nabasa po ang tula nyo. Maraming Salamat po. :)

Ka Pete said...

Yes, Princess, you have my permission to post po my poem on your blog. Aba, nakapost na pala. ;-)

barefaced nes said...

maajong adlaw.

i posted your poem on my blog, i hope you don't mind sir. THANKS!

mabuhay ka!

Anonymous said...

Ka Pete,

Na-inspire ako sa iyong tula at nilagay ko siya sa aking personal blog. I hope you don't mind.

More power po. Mabuhay ka.:)

Ka Pete said...

Nikka:

Ok lang na ipost mo ang TAGUBILIN AT HABILIN SA BLOG. Huwag lang kalimutan ang sinabi ko na sa ibang gustong magpost nito:

Paki-acknowledge lang na kasama ito sa CD na POP LOLA ni Armida Siguion-Reyna.

Wala ka palang link sa blog mo.

Ka Pete said...

Blogger Marne L. Kilates said...

Ka Pete,

Maligayang pagdating sa Blogosphere! Ano kaya sa Tagalog ito... Blogong Mundo?

Marne:

Matagal ko ring pinag-isipan itong palaisipan mo. Ngayon lang ako mangangahas sumagot.

Kung ang outer space ay kalawakan at ang heavenly sphere ay kalangitan, ang blogosphere siguro ay...

KABLOGOHAN.

Pete

Anonymous said...

Hi Sir! Ngayon ko lang po nalaman na may blog pala kayo. Estudyante nyo po ako sa Lit Journ sa UP CMC mga tatlong taon na ang nakalipas.

Pwede ko rin po bang i-repost ang tulang ito sa aking blog? Ia-acknowledge ko po na kasama ito sa POP LOLA CD ni Bb. Armida Siguion-Reyna.

Salamat po. =)

Ka Pete said...

Cess:

Go ahead. Okey ba naman ang ibinigay kong grade sa iyo sa lit journ? ;-)

Sir Pete

cess said...

OK naman po Sir. Pero mas ok yung sem-ender na ibinigay nyo sa amin, hehe. =)

Jo said...

ka pete, pwede ko po bang ipost sa blog ko yung tula ninyong tagubilin at habilin, i will disclose your website as well.

sana po pumayag kayo. salamat!

Ka Pete said...

alingjomar:

Ok lang. Huwag lang kalimutan ang sinabi ko na sa ibang humiling na ipost ang tulang ito:

You have my permission to copy this poem and post it on your blog. Paki-acknowledge lang na kasama ito sa CD na POP LOLA ni Armida Siguion-Reyna (Viva Records). Paki-inform din ako kung lumabas na, para matingnan ko naman ang blog mo.

Ka Pete

Anonymous said...

This one really packs a punch. Ask lang po ako permission to post this sa Multiply account ko. Thanks and God bless...

Ka Pete said...

Ael:

Permission granted. Don't forget to include the following information:

From Armida Siguion-Reyna's album, POP LOLA (Viva Records).

Please inform me when your Multiply posting comes out.

Ka Pete

chingoy, the great chef wannabe said...

Ka Pete,

Ako po'y nalulugod na makita kayo sa blogworld. Hihingi rin po ako ng permission na i-repost ang inyong tulang "Tagubilin at Habilin".

Thank you!

Anonymous said...

Magandang araw Ka Pete, gusto ko sanang i-share this thru my Notes, with your permission am doing as you have already pointed out in the previous post/requests. God Bless. - Beembo

Ka Pete said...

Chingoy, Beembo:

Permission granted. Huwag lang kalimutan ang hiling kong acknowledgments, na nabanggit ko na nga sa sagot ko sa mga naunang nag-comment na dito.

Ka Pete

Anonymous said...

magandang gabi po! can i post this in my FB blog? thanx a lot po.. i'm hoping to make a change in my life and this is like the anthem for that.. =)

Ka Pete said...

greedagz:
Tulad ng nasabi ko na sa iba pang humingi ng permiso:

No problemo! You have my permission to post "Tagubilin at Habilin" on your blog. Paki-acknowledge lang na kasama ito sa CD na POP LOLA ni Armida Siguion-Reyna. Paki-inform din ako kung lumabas na, para matingnan ko naman ang blog mo.

Ingat. Ang angst ay gamiting inspirasyon sa pagsulat, hindi instigasyon sa tendencies na nilalabanan ng "Tagubilin at Habilin." Mabuhay ka!

Anonymous said...

i was having breakfast a few months ago when i heard your poem being said by armida. that time sa sobrang dami ng problema ko gusto ko na bumigay. nagsusulat ako sa yo para paalam sa yo na salamat sa tula mo. sa sandali lang yun na narinig ko yun sa radio napagaan damdamin ko. ngayon halos nabawas bawasan na rin naman pasanin ko pero siyempre meron pa rin. kinakaya ko. everytime na gusto ko mag give up ulit basahin ko lang poem mo nabubuhayan ulit ako. thank you sa sinulat mo, Mabuhay ka Ka Pete!

Ka Pete said...

Anonymous:

Na-move ako sa makabagbag-damdamin mong comment. Salamat naman at nakatulong sa iyo ang tulang ito. Aaminin ko, dumaan din ako sa ganyang pinagdadaanan mo ngayon. Huwag kang bibigay! Mabuhay ka!

Ka Pete

Unknown said...

ang ganda ng tulang ito Ka Pete.
very inspiring wish ko di ko makalimutan sa buahy ang "tagubilin at habiling" ito.

Mark Anthony S. Salvador (Macky) said...

* lupit po ng linyang ito, "Paupuin sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol.
Magpasalamat sa nagmamagandang-loob.
Matuto sa karanasan ng matatanda
Pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma."
salamat sa tula niyo

Anonymous said...

Dahil Sa Kanta Ng "Radio Active Sago Proj." Na "For Adults Only".. Kaya Ako'y Napaisip,Hinanap at binasa ang mga tula na hindi Ko rin kailangan malaman na nalaman ko na rin.... Isang tula mula Kay Jose F. Lacaba... :)

marclorenz said...

dapat isapuso ito ng mga pilipino.... lalo sa panahong ito ng eleksyon...maging matalino at mapanuri...salamat po sa inyo...

Unknown said...

Hi, sir Pete. I just heard this in Ted Failin's DZMM show. It's beautiful. MaybI ask your permission to share in social media with credit mention of you, as the writer, the album/artist and producer. Thank you for your time.

Ka Pete said...

Imac Mom:

Permission granted. I just wrote the poem. The album with that poem,POP LOLA, was produced and recorded by Armida Siguion-Reyna.

Unknown said...

Hi ka-pete. ire-report ko po ang tulang ito bukas para sa aming klase sa Philippine Literature. Sana mabigyan ko ng hustisya ang magandang mensahe na taglay ng tulang ito. :)

Anonymous said...

Ang ganda po nito ... an older colleague introduced this poem to me in 2020...tapos hanap hanap ko na sya....para bigkasin.... salamat po nito