Thursday, June 16, 2016

SA ALAALA NI MUHAMMAD ALI

Sinulat ko ang tulang ito noon pang 2008, para sana sa isang book project na binabalak ng kaibigang sportswriter na si Al Mendoza. Sa kasamaang-palad, hindi natuloy ang book project, at hindi na nailathala ang tulang ito.

Naalaala ko ang tula nang pumanaw si Muhammad Ali, kaya naisipan kong ipost dito sa aking blog na matagal ko nang napapabayaan.

Ali, Aling Bumabanat


Ni Jose F. Lacaba


Parang paruparong lumulutang,
parang putakting nangangagat,
dumapo siya sa ating kamalayan
para patunayang maaaring maging maringal,
maging maliksi, kahit ang higanteng hebigat.

Kahit akong walang kamuwang-muwang
sa sining at siyensiya ng suntukan
ay natigagal sa kanyang ipinamalas
sa mga kalabang minalas
na mapatapat sa kanyang kagila-gilalas na gilas:

ang parang paruparong paglutang,
ang parang putakting pangangagat,
ang parang gerilyang pagpapapasok sa kaaway
hanggang sa ito’y mapagod at mangalay,
at pagkatapos, ang pamatay na bigwas.

Ali, Hard-Hitting Ali

By Jose F. Lacaba
(Translated from the Tagalog by the author)

Floating like a butterfly,
stinging like a bee,
he alighted on our consciousness
to prove that even a heavy-footed giant
can be splendid, can be swift.

Even I who know absolutely nothing
about the art and science of fist-fighting
was stunned by what he showed
against foes who had the misfortune
of coming up against his amazing grace:

the butterfly-like floating,
the bee-like stinging,
the guerrilla style of luring the enemy in deep
until it tires and weakens,
and then, delivering the deadly blow.

2 comments:

Louise Vincent Amante said...

Mahusay ang inyong tula, Sir Pete. Laging hasa ang inyong panulat.

Ka Pete said...

Maraming salamat sa papuri. Kailangan ko yatang ihasa uli ang aking panulat, dahil ang tagal ko nang hindi nakakasulat ng tula.