An indie film entitled Walang Hanggang Paalam, written and directed by Paolo Villaluna and Ellen Ramos, and starring Lovi Poe, Joem Bascon, and Jacky Woo, was in the news early this month (February 2009) after it got an X rating from the Movie and Television Review and Classification Board on first review, reportedly because of a fellatio scene and an ejaculation shot in a gay love scene between actors Jake Roxas and Rico Barrera. The rating was changed to R-18 on second review, after the filmmakers revised or cut out the shots that the MTRCB objected to.
“Walang Hanggang Paalam” is also the title of one of the best-known songs of ethnic-folk-rock icon Joey Ayala, but I understand from Paolo Villaluna that the song was not used in the movie.
Anyway, the news about the indie film reminded me that I did a screenplay with the same title, Walang Hanggang Paalam, back in 2001. The script, meant for actress Maricel Soriano, was commissioned by director Joel Lamangan on behalf of GMA Films (or whatever it was called back then). It went through the usual writing stages—storyline, detailed sequence treatment, first-draft screenplay—and I had several meetings with Joel, his pre-production staff, and GMA-7’s Jimmy Duavit, but in the end, the project got shelved, for reasons that I can no longer remember. I don’t know if it will ever be made, but if it does, it will probably have to get another title.
Joey Ayala’s song is a crucial part of my Walang Hanggang Paalam screenplay, but not long after I finished the script, the song was used in the Marilou Diaz-Abaya film Bagong Buwan. When I told Joey about this, he sent me, as possible replacement, the lyrics of a song called “Pag-uwi,” which he had written for Louie Ocampo. I think the song won an award somewhere, but it never really became as popular as “Walang Hanggang Paalam.”
Here’s the storyline that I wrote, along with excerpts from the sequence treatment.
WALANG HANGGANG PAALAM
Storyline
by
Jose F. Lacaba
ENRIQUETA “ERIKA” TENORIO, a registered nurse in her mid-30s, has come home to the Philippines. This is her first visit to the country of her birth since she migrated to Canada 12 years ago. She’s home to attend the first anniversary of her father’s death, and at the same time to fetch her widowed mother who’s supposed to be going to Canada with Erika on the return trip.
The balikbayan’s visit to the hometown where she is still known as Quetang, or teased as Ketong, revives the usual nostalgic memories, especially since she’s invited to countless clan gatherings and class reunions and videoke get-togethers—where she gets to sing what used to be her favorite song, Joey Ayala’s “Walang Hanggang Paalam.” (Sample lyrics: “Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam, / At kahit magkalayo, magkalapit pa rin ang puso.”)
At the same time, the visit rekindles sibling rivalries and filial hurts. The youngest of four children, the eldest of whom is a desaparecido, Erika finds herself entangled in the domestic problems of her surviving brother and sister and her assorted in-laws. In particular, she needs to sort out her relationship with her mother, ALING CARING, 69, a headstrong woman who owns an eatery, Caring’s Carinderia, and refuses persistent offers to convert it into a McDonald’s outlet.
Erika finds it difficult to explain to her mother why she couldn’t leave her job to take care of her father during his last bedridden years, or even just to come home for the funeral a year ago. After all, Erika was perceived to be her father’s favorite. On the other hand, in her relationship with her mother Erika has at times felt neglected and unwanted, the one who was born when Aling Caring no longer cared to have children. This is partly the reason why Erika has always tried to reach out to her mother.
Aling Caring has already been “petitioned” and granted a visa but has dilly-dallied about leaving the country. With her imminent departure, one grandson who lives with her suffers a nervous breakdown, and another turns violent and gets shot in a frat war. Both grandsons are the troubled children of the desaparecido, who was perceived by the other children to have been their mother’s favorite. As a result of her grandsons’ problems, Aling Caring begins to change her mind about moving to Canada. Erika sees this as additional evidence that her mother has always discriminated against her.
Accompanying Erika on this trip is her daughter AYA, 13, born in the Philippines but now thoroughly Canadian in manner and outlook. Feeling a need to reveal a painful truth she has managed to keep hidden from her daughter for years, Erika brings Aya to a nearby province to introduce her to a sister the young girl never knew she had. It turns out that Erika has a 16-year-old daughter from a premarital relationship. This other daughter is mentally retarded and being taken care of by a foster family, which receives financial support from the girl’s father.
The visit to the special child is traumatic for both Erika and Aya. Erika must confront her own feelings about being a mother, and in the process she learns to appreciate her own mother’s dilemmas and coping mechanisms. Aya, for her part, is so shocked she refuses to talk to Erika for several days. Things get a little bit complicated when the first daughter’s father, now a small-town politician, and still single, comes visiting and seems intent on reviving his friendship with Erika. Aya puts in a frantic long-distance call to her own father in Canada to apprise him of the situation, but he can’t take a sudden leave from his job.
In the end, things should get all sorted out without benefit of a miracle, and Aling Caring is persuaded to try life in Canada with Erika. We reveal in an epilogue that Aling Caring lasted two cold winters and then, bored with baby-sitting Canadian kids, decided to come home.
[END]
2001 July 4
EXCERPTS FROM THE SEQUENCE TREATMENT
9. EXT. BAHAY NI CARING. GABI.
Magpapaalam ang mga hindi tagarito: si Boni at ang kanyang pamilya, sina Jing at Diday. Ugaling Pilipino: walang-hanggan ang paalaman. Naghihintay na si Boni sa kotse: “Ba’t ba kung kailan pa uwian na at saka humahaba ang kuwentuhan?” Ang mga pamilya nina Rachel at Norie ay nakapisan kay Caring. Maiiwang nakaparada ang dyip sa garahe. Magkakasarilinan sina Erika at Caring. Erika: “Handang-handa na tayong pumunta sa Canada?” Tatango si Caring. Sa isang sulok ng garahe, mapapansin ni Erika ang isang kinakalawang nang pedicab. Mangingilid ang luha niya. Yayakapin siya ni Caring. Makikita sila ni Aya.
42. EXT. BAHAY SA SUBDIBISYON. ARAW.
Minsan pa, walang-hanggan ang paalaman. Rosita (kay Caring): “Buti ka pa, balae, makakarating ka ng Canada. Gusto sana naming makita man lang ang Niagara Falls, pero ngayon, hindi na puwede.” Mapapaiyak si Atty. Reyes.
48. EXT. BAHAY SA BULACAN. ARAW.
Nakaupo si Caring sa loob ng pedicab, kandong ang nahihimbing na si Ani. Ipapaliwanag niya kay Aya ang kahulugan ng pangalan nilang magkapatid: “Ani, harvest, pero ang talagang full name niya ay Halina, attractiveness. Ina ang dati niyang palayaw, binaligtad. Aya, kagandahan, pero ang full name mo ay Haraya, imagination. Lolo mo kasi, nationalistic. Siya’ng nagpangalan sa inyo.” Kay Mau: “Ang tatay mo naman, subersibo at fan ng Beatles, kaya ganyan ang mga pangalan ninyo. Si Len ay Juan Lenin, ikaw ay Pablo Mao.” Aya: “E sina Caissa?” Erika: “Caissa, goddess of chess. Alekhin at Botvinnik, mga sikat na chess players noong araw. Ang Tito Boni n’yo, naging chess champion ng Aguho. Elmyrah, pangalan yata ng Moro princess, hindi ko na maalala.” Aya: “Kaya pala kami puro wirdo, hindi kami binigyan ng mga normal na pangalan.” Mau: “Lahi tayo ng mga abno.”
49. EXT. BAHAY SA BULACAN. ARAW. (TIME LAPSE)
Oras na para umuwi. Muli, hindi matapos-tapos ang paalaman. Mangiyak-ngiyak na yayapusin ni Erika si Ani, pero kakalas ang dalagita at tatakbo kay Caring. Kukunin ni Marta ang umiiyak na si Ani. Magyaya si Django sa dinner: “Paunahin n’yo na si Jing. Sa akin na kayo sumabay, air-con ang van ko.”
69. INT. BAHAY NI GRACE. GABI.
Reunion ng high school class ni Erika. Ang tawag ng mga dating kaklase kay Erika ay E.T.--initials ng Erika Tenorio. Si Aya lang ang bisitang bata, pero may halos kaedad siya sa mga anak ni Grace. Kaunting ballroom dancing, kaunting kantahan. May gitara si Grace, at hihimukin niya si Erika na magduweto sila sa isang lumang kantang paborito nila noong araw, ang “Walang-Hanggang Paalam” ni Joey Ayala: “Ang pag-ibig natin ay walang-hanggang paalam/At habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso./Kahit na magkahiwalay, tayo ay magkasama/Sa magkabilang dulo ng mundo.”
70. EXT. BAHAY NI GRACE. GABI.
Hindi na naman matapos-matapos ang mga paalam. Ngayon pa maiisipan ni Grace na magkukuwento tungkol sa mga nakakatawa niyang karanasan nang magtrabaho siya bilang domestic sa Singapore.
96. EXT. BAHAY NI CARING. GABI.
Magpapaalam si Jerry kay Caring: “Pa’no, Nay, sa Canada na uli tayo magkikita?” Caring: “Ano ka, sinusuwerte?” Pero nakangiti si Erika: “Sa Canada na ang susunod na birthday ng Nanay.” Jerry (pabiro): “Nay, sa Canada kayo magsi-sixty-nine? Sarap naman.” Naghihintay sa kotse si Boni, na siyang maghahatid. Bubusina siya. “Bayaw, baka maiwan ka ng eroplano. Tama na ang mga walang-hanggang paalam.”
Saturday, February 28, 2009
Monday, February 16, 2009
Minimithi (Desiderata)
I started this kapetesapatalim blog exactly a year ago today, on February 16, 2008, with the posting of my spoken-word piece, “Tagubilin at Habilin.” My prose poem, recorded by Armida Siguion-Reyna in Pop Lola (Viva Records, 2003), was admittedly inspired by, among others, the prose poem “Desiderata.” So now here’s my much older Tagalog translation/adaptation of “Desiderata” itself.
The translation was originally commissioned by Benjamin Ramos in the late 1980s, and was first published in my book of poetry translations, Sa Daigdig ng Kontradiksiyon: Mga Saling-wika (Anvil Publishing, 1991).
In my book, I attributed this prose poem to Anonymous, because that's how it was attributed in all published versions back then. But I have since learned that it has an author, Max Ehrmann.
My original translation, as published in Sa Daigdig ng Kontradiksiyon, hewed close to the original text. With my recent preoccupation with song adaptations, or salinawit, I decided to add on the sung refrain used in the spoken-word version of the prose poem recorded by Les Crane in 1971.
Cover of the 1976 edition of
The Desiderata of Happiness,
"a collection of philosophical poems"
by Max Ehrmann.
Photo from Wikipedia.
MINIMITHI
(DESIDERATA)
Mula sa teksto ni Max Ehrmann (sinulat noong 1927) at kasama ang sung refrain sa bersiyong isinaplaka ni Les Crane. Maaring awitin ang koro dito sa himig ng sung refrain sa plaka ni Les Crane.
Salin: Pete Lacaba
(KORO)
Ikaw ay supling ng sanlibutan.
Katulad ng bituin,
May liwanag kang taglay.
(Minimithi… minimithi… minimithi…)
LUMAKAD NANG MAHINAHON
Sa gitna ng ingay at pagkukumahog, at alalahanin
Ang kapayapaang maaaring makuha sa katahimikan.
Walang isinusuko hanggat maaari,
Pakitunguhan nang mabuti ang lahat ng tao.
Sabihin ang iyong katotohanan nang tahimik at malinaw;
At makinig sa iba, kahit sa nakayayamot at mangmang;
Sila man ay may kasaysayan.
Iwasan ang mga taong mabunganga at palaaway,
Sila'y ikinaiinis ng kalooban.
Kung ihahambing mo ang sarili sa iba,
Baka yumabang ka o maghinanakit; sapagkat laging
May lilitaw na mas mahusay o mas mahina sa iyo.
(KORO)
Ikaw ay supling ng sanlibutan.
Katulad ng bituin,
May liwanag kang taglay.
At anupaman ang iyong gawin,
Itong sanlibutan ay narito
Sa paligid mo.
Ikalugod ang iyong mga tagumpay at saka mga balak.
Manatiling interesado sa iyong hanapbuhay,
Gaano man kaaba; ito'y tunay na ari-arian
Sa pabago-bagong kapalaran ng panahon.
Maging maingat sa iyong negosyo;
Sapagkat ang daigdig ay puno ng panlilinlang.
Subalit huwag maging bulag sa kabutihang makikita.
Maraming nagsisikap na makamit ang mga adhikain; at sa lahat ng dako,
Ang buhay ay puno ng kabayanihan.
Maging tapat sa sarili. Higit sa lahat, huwag magkunwari.
Huwag ding libakin ang pag-ibig:
Sapagkat sa harap ng lahat ng kahungkagan at kawalang-pag-asa,
Ito'y lagi't laging sumisibol, tulad ng damo.
Tanggapin nang mabuti ang mga payo ng katandaan,
Buong-giliw na isuko ang mga bagay-bagay ng kabataan.
Pag-ibayuhin ang lakas ng loob,
Ito’y pananggalang laban sa biglaang kasawian.
Subalit huwag ikaligalig ang mga haka-haka.
Maraming pangamba ang likha ng pagod at pangungulila.
Bagamat kailangan ang sapat na disiplina,
Maging magiliw sa sarili.
(KORO)
Ikaw ay supling ng sanlibutan.
Katulad ng bituin,
May liwanag kang taglay.
At anupaman ang iyong gawin,
Itong sanlibutan ay narito
Sa paligid mo.
Kung gayon, pakisamahan ang Panginoon,
Anuman ang pananaw mo sa kanya.
At anuman ang iyong pinagkakaabalahan at minimithi,
Sa maingay na kalituhan ng buhay,
Pakisamahan ang iyong kaluluwa.
Sa kabila ng lahat ng pagkukunwari, kabagutan, at gumuhong pangarap,
Maganda pa rin ang daigdig.
Mag-ingat. Sikaping lumigaya.
(KORO)
Ikaw ay supling ng sanlibutan.
Katulad ng bituin,
May liwanag kang taglay…
Ikaw ay supling ng sanlibutan.
Katulad ng bituin,
May liwanag kang taglay…
Ikaw ay supling ng sanlibutan.
Katulad ng bituin,
May liwanag kang taglay…
NOTES:
From the Alt.Usage.English FAQ:
"Desiderata" was written in 1927 by Max Ehrmann (1872-1945). In 1956, the rector of St. Paul's Church in Baltimore, Maryland, used the poem in a collection of mimeographed inspirational material for his congregation. Someone who subsequently printed it asserted that it was found in Old St. Paul's Church, dated 1692. The year 1692 was the founding date of the church and has nothing to do with the poem.
(Salamat sa kapatid kong si Billy na nagbigay ng impormasyon sa itaas.)
From Wikipedia, the online encyclopedia:
Max Ehrmann (September 26, 1872 - September 9, 1945) was an attorney from Indiana, and was best known for writing the prose poem "Desiderata" (Latin: "things desired as essential") in 1927.
Ehrmann, who was of German descent, received a degree in English from DePauw University, followed by a degree in Philosophy from Harvard University. He then returned to his hometown of Terre Haute, Indiana to practice law. Eventually this led him to work in his family's meatpacking business and in the overalls manufacturing industry. At the age of 41, Ehrmann decided to become a writer instead. At the age of 55, he wrote Desiderata, which achieved fame only after his death.
Also from Wikipedia:
Les Crane (born Lesley Stein - December 3, 1933 – July 13, 2008) was a radio announcer and television talk show host, a pioneer in interactive broadcasting who also scored an unexpected spoken word hit with his 1971 recording of the poem Desiderata, winning a "Best Spoken Word" Grammy for his efforts…
A parody of Desiderata by National Lampoon on their comedy album, Radio Dinner (1972), went on to fame via the Dr. Demento and Howard Stern radio shows. Called Deteriorata and voiced by Norman Rose, the parody declared to listeners that "you are a fluke of the universe. You have no right to be here. And whether you can hear it or not, the universe is laughing behind your back." Melissa Manchester, then a little-known session singer, performed the gospel-tinged background vocals.
When asked about the recording during an interview by the Los Angeles Times in 1987, Crane replied, "I can't listen to it now without gagging." He admitted to being much fonder of the National Lampoon version.

Labels:
Armida Siguion-Reyna,
Desiderata,
Les Crane,
Max Ehrmann,
Pop Lola,
Tula
Sunday, February 15, 2009
2 tulang pang-Valentine: SA MGA UMAGA, SA MGA GABI
SA MGA UMAGA
Sa mga umagang tinatanghali ako ng gising,
inaabrasador ko ang iyong unan,
at marahang pinaplantsa ng bukas kong palad
ang gusot sa kama na iniwan ng iyong katawan,
at pagkatapos ay iginuguhit
ng isang daliri sa kama
ang memoryadong balangkas at hugis
ng iyong balikat, at baywang, at balakang.
Sa mga umagang tinatanghali ako ng gising,
mananatili ako sa kama, ninanamnam
ang gunita ng mga gabing nagdaan:
maaaring inunan mo ang aking dibdib,
dito, sa pagitan ng puso at kanang braso,
at nalanghap ko ang samyo
ng iyong buhok,
at maaaring inalis ko ang ilang hibla
na pumasok sa aking bibig,
kumiliti sa aking mga mata,
at maaaring hinaplos ko ang iyong buhok,
ang napakakinis mong buhok na tuwing umaga’y
nilalagyan mo ng langis ng niyog.
Sa mga umagang tinatanghali ako ng gising,
hinuhulaan ko kung saan ka naroroon:
maaaring sa likod-bakuran, winawalis
ang mga tuyong dahon ng makopa; o maaaring
sa kalsada, naglalakad nang mabilis,
hinahabol ang araw, nagpapapawis,
paminsan-minsa’y humihinto para magbunot
ng pansit-pansitan sa gilid ng daan;
o maaaring nakarating na ng bahay
at matiyagang nililinis ang pansit-pansitan,
tinatanggalan ng ugat, inaalisan ng lupa,
bago pakuluan ang dahon at tangkay.
Tiyak na pagtayo ko’y isusumbat mo sa akin,
habang hinihigop mo ang sabaw ng pansit-pansitan,
na marami ka nang nagawa
--nakapaglaba, nakapaglinis, nakapagsaing--
habang ako’y nag-iinin sa higaan.
Subalit ang mga gunita ng mga gabing matalik
ay mga gunitang sumasalag sa anumang sumbat.
Huwag kang magagalit kung hindi ko
inaalintana ang sumbat
sa mga umagang tinatanghali ako ng gising.
SA MGA GABI
Sa mga gabing inuumaga ako ng higa,
ipinapahinga ko ang bukas kong palad
sa nahihimbing mong hita,
at ang makinis mong balat ay parang
isang baso ng malamig na tubig
sa tanghaling tapat ng isang tag-init,
pumapayapa sa balisa kong isip.
Pero may mga gabing ang tubig
ay parang panghilamos na pumupukaw,
at ang palad sa halip na mapayapa’y
gumagapang, gumagala, inaalihan
ng di-inaasahang pagnanasa.
Kung tulog na tulog ka na,
para kang maliligalig
ng isang masamang panaginip,
at papalo ang kamay mo sa kamay ko,
hampas kontra haplos, parang pumapalis
ng gagamba o butiki o ipis
na naligaw sa loob ng kulambo.
Hindi ko na gagambalain ang iyong pagod;
wala akong mahihita.
Pero kung mababaw ang tulog mo,
a! kung mababaw ang tulog mo,
haplos ang sumasalubong sa haplos,
at ipinauunawa ng
naaalimpungatang pawis
sa nauutal
na hingal
kung bakit hanggang ngayon,
pagkaraan ng dalawampung taon,
ang palad ko’y humihimlay sa nahihimbing mong hita
sa mga gabing inuumaga ako ng higa.
--JOSE F. LACABA
Unang nalathala sa
EDAD MEDYA: MGA TULA SA KATANGHALIANG GULANG
(Anvil Publishing, 2000).
Muling nalathala sa
KUNG BAGA SA BIGAS: MGA PILING TULA
(University of the Philippines Press, 2002; pangalawang limbag 2005).
Wednesday, February 4, 2009
KUWENTO NG PAG-IBIG NINA PEPE AT FE
Ang sumusunod ay isang kolum na sinulat ko para sa Pinoy Times, isang diyaryong inilathala ni Eugenia “Eggie” Apostol noong 1999-2001. Lumabas ito noong Valentine’s Day, 2000.
ISANG KUWENTO NG PAG-IBIG
DAHIL araw ngayon ni San Valentino, ikukuwento ko sa inyo ang kuwento ng pag-ibig nina Pepe at Fe.
Panahon ng Hapon nang magtagpo si Pepe at si Fe. Nagkakilala sila sa Mindanao, bagamat pareho silang hindi tagaroon. Si Pepe ay ipinanganak at lumaki sa Loon, Bohol, sa Visayas. Si Fe ay tubong Pateros, na noon ay bahagi ng lalawigan ng Rizal, sa Luzon. Nagkataon lang na pareho silang inabot ng giyera sa Mindanao.
Nang magkakilala sila, si Pepe ay isang gerilya, kabilang sa USAFFE (United States Armed Forces in the Far East), samantalang si Fe ay isang guro, kabilang sa mga pinapag-aral ng Nippongo para ituro iyon sa mga batang Pilipino.
Ang ama ni Fe, si Agapito Flores, ay isang provincial auditor na kung saan-saan nadedestino. Nang sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas, si Agapito at ang kanyang pamilya ay nasa Cagayan de Oro, sa Misamis Oriental.
Isang tapat na tapagpaglingkod sa serbisyo sibil si Agapito. Nagsilbi siya sa gobyerno ng Komonwelt noong panahon ng Amerikano, at ipinagpatuloy niya ang pagsisilbi sa gobyerno nang itatag ng mga puwersang Hapones ang papet na republika.
Nang itaboy ng USAFFE ang mga Hapones mula sa Cagayan de Oro, kabilang si Agapito sa mga pinaghihinalaang kolaboreytor na hinuli ng mga gerilya at dinitine sa kalapit na bayan ng Talakag, Bukidnon. Dinitine rin ang anak niyang si Boni, pagkat nagtrabaho ito sa post office.
Noong Enero 4, 1945, ang gurong si Fe naman ay “magalang na inimbita” ng mga gerilya na pumunta sa Talakag. Siyempre, kung may baril ang mag-iimbita, mahirap tumanggi. Sa kabutihang-palad, kilala ni Fe ang gerilyang inasayn na gumawa ng interogasyon—si Tenyente Federico Ablan, prinsipal ng isang eskuwelahan bago nagkagiyera. Dati itong detenido sa concentration camp ng mga Hapones sa Cagayan de Oro. Doon, nadadalaw siya ni Fe bilang presidente ng Children of Mary, isang grupong nagdadala ng pagkain at sigarilyo sa mga bilanggo ng digmaan.
Naalala ito ni Ablan. Napag-alaman din niya na kinausap ni Fe ang mga Hapones para iligtas sa detensiyon ang isang kasamahang titser.
Dahil dito, sa halip na ilagay sa lugar ng detensiyon ay pinatira si Fe sa isang cottage na malapit sa opisina ni Ablan. Hinayaan din si Fe na malayang gumala sa loob ng kampong gerilya.
Isang araw, isinama si Fe ng anak ng may-ari ng cottage sa sabungan. Doon siya unang nakita ni Pepe. Isa ring tenyente si Pepe, kasamahan ni Ablan sa intelligence unit.
Noong Enero 8, 1945, tumanggap si Fe ng pormal na imbitasyon sa isang party. Si Pepe ang nag-imbita. Pumunta naman si Fe. Nagulat na lamang siya nang malamang siya lang pala ang panauhin.
Pagkaraan ng ilang araw, inimbita na naman ni Pepe si Fe na sumama sa pagdalaw sa kanyang mga tauhan. Napansin ni Fe na “naglulundagan sa tuwa” ang mga sundalo nang makita nila si Pepe. Pauwi, sa mga bukirin ng Talakag, nagtapat si Pepe kay Fe at nagyayang magpakasal. Noon ay malapit nang tumuntong si Fe ng 29 anyos—matandang dalaga na sa pamantayan ng panahong iyon. Si Pepe ay nakababata nang isang taon at apat na buwan.
Pagkaraan ng dalawang araw, dalawang gerilya ang dumating para arestuhin si Fe at dalhin ito sa lugar na kinabibilangguan ng kanyang ama at kapatid. Sinabi ni Pepe na hindi nila puwedeng arestuhin si Fe dahil nakatakda na silang pakasal.
Ikinasal nga sila ng isang paring gerilya noong Pebrero 4, 1945, sa Talakag, Bukidnon. Lumipat sila sa Cagayan de Oro nang bumalik ang kasarinlan ng Pilipinas.
Pagkaraan ng eksaktong siyam na buwan, ipinanganak ako, ang panganay nina Fe Flores at Pepe Lacaba. Lima pang anak ang isinilang sa sumunod na siyam na taon.
Jose F. Lacaba
KUNG SA BAGAY
Pinoy Times, 2000 Pebrero 14
Postscript, 2009
Ngayong araw na ito, Pebrero 4, ang ika-64 na anibersaryo ng pag-iisang-dibdib nina Fe de Leon Flores at Jose Monreal Lacaba, ang aking yumaong ina at ama.

Subscribe to:
Posts (Atom)