Ito ang ikalawang tula ko na ginamit sa proyektong Tulaan sa Tren. Ang nagrekord naman nito ay ang young star na si Matt Evans.
Kung hindi ako nagkakamali ay nasa kolehiyo pa ako nang sulatin ko ito, bandang 1963 o 1964. Ang Pateros noon ay isa pang munisipalidad sa probinsiya ng Rizal. Ngayon ay bahagi na ito ng Metro Manila, at hindi mo na makikita ang Ilog Pateros sa kakapalan ng waterlily na tumatakip sa tubig. (Ako naman, natuto ring lumangoy--noong may asawa't anak na ako. Sa dagat at swimming pool na ako natuto.)
AWIT SA ILOG PATEROS
Tagailog ay di natutong lumangoy:
sa hiya’y matinis itong aking taghoy.
O Ilog Pateros, agos na marahan,
ang paliwanag ko ay iyong pakinggan.
Oo, kung umagang bagong gising tayo,
ginto kang gayuma sa mga tulad ko,
at sa hapon naman, paghimlay ng araw,
ang lambong mo’y pilak na nakasisilaw.
Pero sa pagitan ng umaga’t gabi,
ano ang iyong maipagmamalaki?
Putik kang malapot, tahanan ng suso,
lubluban ng kalabaw, tinta ka’t tanso.
Waterliling ugat ay makutong buhok,
bituka’t atay ng dagang nabubulok,
naglalahong bula ng sabong panlaba,
tae ng tao at tambak na basura--
ito at iba pa, O Ilog Pateros,
ay dalang lagi ng marahan mong agos.
At akong bata pa’y masyadong pihikan,
aasahan bang matuto ng languyan?
-- Jose F. Lacaba
Tulad ng tulang “Ang mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz,” ito’y unang nalathala sa kalipunang Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran: Mga Tulang Nahalungkat sa Bukbuking Baul (Kabbala, 1979; ikalawang edisyon, Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University, 1996). Muli rin itong nalathala sa kalipunang Kung Baga sa Bigas: Mga Piling Tula (University of the Philippines Press, unang limbag, 2002; ikalawang limbag, 2005).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
39 comments:
what do you know, you're on blogger too sir! hehe regards. :) - julie
wow..so you're jose lacaba..
hehe..yung tula mo po nsa first chapter ng book nmin sa pluma and we're currently studying it right now. Awesome job:)
Cool:
Aling tula? Anong book? Ano ba ang pluma? Anong year ka na ba? High school o college?
Jose F. Lacaba
hi po..gudeve..cool,who are you?hehe..like co0l said,pinagaaralan dn po namin ang iy0ng tula na awit sa ilog pateros..sa pluma 3..third yr high sch0ol po..1st chapter dn po..ehe..ang lalim po ng p0em..phew!n0sebleed! -mj..
hey we have a mastery test about sa mga tula and magrerecite kami nito so if kung pwede lang poh give me style sa pagbasa ng tula niu if you could record well then its good to hear the original voice of jose f lacaba at ipaparinig ko ito sa mga kaklase ko :) kung paanu ka bumasa hehe salamat poh ang iyong tula ay nasa pluma po namin na 3rd year pluma ,, at napili kong tula ay yung ilog pateros haha at irerecite ko toh this week so hope for reply ! thank you
Anonymous:
Ang lalim ba? Akala ko pa naman, simpleng-simple: hindi ako natutong lumangoy noong bata ako dahil ang dumi ng ilog sa likod-bahay namin.
Kirk:
Me ginawang recording nito ang National Book Development Board, hindi ko lang maalala kung ang nagbasa ay si Romnick Sarmenta o si Matt Evans. Pinatugtog ang recording sa LRT na biyaheng Marikina-Divisoria, ewan ko lang kung hanggang ngayon. Anyway, basahin mo lang na para kang nagbabalagtasan sa first stanza, pero pagkatapos ay gawin mo nang medyo conversational.
Julie:
Regards din. Long time no see. Sori, super late itong reply.
Kirk:
Si Matt Evans pala ang nagbasa at nagrekord para sa Tulaan sa Tren. Hindi ko naisipang rebyuhin muna ang ginawa kong intro sa blog bago kita sinagot. Ang mala-balagtasang estilo ay dapat pala sa first 2 stanzas, hindi sa first stanza lang. Ayos ba?
wow! great! thnx! i used it for my assign! thanks a lot!
hayy.. naku. maraming maraming salamat po ka pete. hinahanapp ko po tlga ang tulang ito kc recital po namin sa school sa lunes. eh nagkataung wala pa naman akung libro sa pluma III..
buti na lng po may blog po kayo. nagkaroon po ako ng ideya kung paano ko po ito irerecite..at tsaka pede pa kming mkapagtanung sa inyu nang mga bagaybagay.. maganda po ang tula ninyo .. Hindi nmn po ganung kalaliman kc naiintindihan ko naman po eh.. peru mganda pa rin..
maraming slamat po tlga...
may iba pa po ba kaung tula bukod dito?..
fr:amparo -3rd yr highschool ng hagonoy bulacan.
Ano po ba talaga ang ibig sabihin nitong tula? maraming salamat
wow. samin din! 2nd aralin ng pluma namin ay iyan ang topic. ang galing. Aq pa nga ang pinagbasa ng teach q. galing!
good pm ka pete..tanong ko lang po sana ano po yung interpretation ng "ang mga kagilagilalas na pakikipagsaparan ni juan dela cruz"
ginawa po kasi namin tong speech choir gusto po sana namin maipaabot sa manunuod kung ano yung mensahe ng piece po..
nice po! kami po ngayun as third year. itututla po namin yan bukas! ang ganda po ng mensahe ng tula! salamat po!!
bakit pinamagatang awit sa pateros ang tula ni jose f. lacaba?
pasagot aman po agad ang tanung kung bakit naging ganun ang pamagat....tnx poh....
Anonymous, June 19, 2011:
Hindi awit sa pateros ang pamagat ng tula. "Awit sa ILOG Pateros." Iyan ang pamagat dahil noong sulatin ko ang tula ay nakatira ako sa bayan ng Pateros, Rizal (part na ng Metro Manila na ngayon), at nasa likod bahay namin ang Ilog Pateros.
Sa iba pang mga nagtanong noong isang taon:
Pasensiya na at hindi ako nakasagot. Kung ako ang teacher ninyo, sasabihin ko na huwag ninyong tatanungin ang may-akda kung ano ang kahulugan ng kanyang sinulat. Basahin ninyong mabuti at pag-aralan ang akda at kayo mismo ang humanap ng kahulugan. Puwede ring mag-research at alamin kung ano ang sinasabi ng mga kritiko, pero mas importante ang sarili ninyong pagbasa at pag-unawa.
Kaya kung tatanungin ninyo ako kung ano ang kahulugan ng aking tula, ako muna ang magtatanong sa inyo: Ano ba sa tingin ninyo? Ano ba ang basa ninyo?
Actually, kung binasa ninyo ang mga naunang comments, makikita ninyong sinagot ko na noon pa ang tanong tungkol sa kahulugan ng tula. Sabi ko noong July 12, 2009:
"Ang lalim ba? Akala ko pa naman, simpleng-simple: hindi ako natutong lumangoy noong bata ako dahil ang dumi ng ilog sa likod-bahay namin."
Noon palang July 13, 2009, hindi July 12. Sori, wrong mistake.
Ahm.. Ka Pete, pwd nyo po bang ipaliwanag ang unang stanza? Interesado kasi ako sa tulang ito, nature-related kasi ito eh, tsaka po.. Sana gumawa pa po kayo ng iba pang tula. ^.^
Happy blogging Ka Pete
~John, Zamboanga City
hello po ! :D ano po ba ibig sabihin ng lambong ? hehe .. sinusuri po kasi namin yung tula mo po gamit ang Panunuring Formalismo .. salitang lalawiganin po ba 'yon ? balbal ? o anu po ? hehe .. salamat po ! :D
John, Zamboanga City:
Kinakausap ko ang Ilog Pateros sa unang stanza at sinasabi ko sa kanya: Nakakahiya mang aminin, hindi ako natutong lumangoy.
Marami na akong nagawang ibang tula at nailibro na ang halos lahat ng iyon. Ang pinakahuling librong lumabas ay ang KUNG BAGA SA BIGAS: MGA PILING TULA, na inilabas ng University of the Philippines Press noong 2002, bahagi ng UP Jubilee Student Edition. Hanapin mo na lang sa library ng eskuwelahan ninyo o sa public library ng Zamboanga City.
Airam:
Wala bang diksiyonaryong Tagalog/Pilipino/Filipino sa library ng eskuwelahan ninyo o sa public library sa inyo?
lambong: belo ng babae o takip sa ulo at mukha, lalo na kung nagluluksa; anumang tumatakip o tumatalukbong sa isang bagay, halimbawa'y ulap na lumalambong sa buwan.
Lalawiganin siguro, dahil mukhang malalim na Tagalog na para sa mga tagalunsod na tulad mo, hehe.
Siguro naman ay hindi ko na kailangang ipaliwanag ang kahulugan ng "nagluluksa"?
Ka Pete, sana po mabasa niyo ito. Kailangan ko po kasi ng linaw kung ano po ang nasa isip ninyo nung naisulat niyo ang tulang "Ang ahas. Bow." Kailangan ko po siyang iulat sa klase ngunit hindi ko po mabigyan ng mas malalim na kahulugan maliban sa tungkol ito sa ahas :) Maraming salamat po.
-Jericho, Ateneo de Manila
pwede po bang magbigay po kayo ng kunting hint kung anu ang ibig sabihin ng bawat stanza ng inyong tula"Awit sa Ilog Pateros".....:)
ano ho ba talaga ang middle initial ni jose lacaba? Jose F. Lacaba o Jose P. Lacaba? kasi, sa lumang aklat na pluma ay P. ang nakalagay samantalang sa bagong aklat naman ay F. .. ano po ba talaga.. tinatanong na rin kasi ng guro namin.. maraming salamt
Middle initial: F, dahil Flores ang apelyido ng nanay ko. Kung minsan kasi, ipinapasok ang palayaw: Jose "Pete" Lacaba. Kaya siguro, nagiging P ang middle initial.
ano po ba ang ibig sabihin ng sinabing ng ikalawang stanza niyo: "maganda ang ilog pateros pagkayo'y bagong gising at pati narin sa hapon,kung saan paghimlay ng araw".Ibig sabihin kayo po ay nabighani sa ganda nya......Tapos sa ikatlo sinabi ninyo "sa araw at gabi ano iyong maipagmamalaki".Tapos sinabi po ninyo na kabaliktaran,sa naunang stanza?????
ANU PO ANG IBIG SABIHIN NG IKALAWANG STANZA AT IKATLO>>>>
BAKIT PO NINYO PINAGALANANG AWIT SA ILOG PATEROS ANG INYONG TULA NA GAYUNMAN AY HINDI ITO ISANG KLASENG NA AWITIN...
hey ...ahmpp magbgay ng po kau ng tulang blangko nerso??
bgay nga po kau ng tulang blangko berso salamt po
ituturo ko ito sa lunes... buti na lang nakita ko ang blog na ito.
tama ang lahat ng sinabi ng awtor.. hindi dapat siya ang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng isinulat niyang tula...
tungkulin natin iyon bilang mambabasa...
ako man ay isang manunlat ng tula, nasa wattpad ang lahat ng iyon, sa username na supladongtorpe09..
nakatulong ng malaki ang blog na ito lalo na't ito ang unang taon ko sa pagtuturo at ang tulang ito ang aking unang ituturo..
salamat JOSE F. LACABA...
Isa kang napakagaling na manunulat. Saludo ako sayo.
ang tulang ito ay isang awit sapagkat binubuo ito ng 12 pantig sa bawat taludtod. tama po ba G. Lacaba?
Michael:
Wala pong anuman. Maraming salamat din sa pagdepensa sa makatang tinatamad sagutin ang lahat ng tanong ng mga estudyante.
Jade:
Marami pong salamat.
Rej:
Katulad sa tradisyonal na awit, may 12 pantig ang bawat linya o taludtod ng tulang ito. Subalit di tulad ng tradisyonal na awit, dalawang linya lang sa bawat saknong ang magkatugma, sa halip na lahat ng apat na linya.
Sagot na rin sa nagtanong noong 19kopong-kopong kung bakit pinamagatan itong "awit" gayong "tula" naman ito:
Sa panulaan, ang awit ay hindi kanta kundi isang anyo ng tulang pasalaysay: primarily, may 12 pantig ang bawat taludtod, sabi nga ni Rej. Hindi na ba pinag-aaralan sa Panitikan 101 ang mga anyo ng tulang katutubo?
anong teoryang pampanitikan ang tulang awit sa ilog pATEROS?
Re teoryang pampanitikan: Hindi ko rin po alam. Hindi po ako theoretician. Baka mas dapat tanungin diyan ang mga kritiko at akademiko, hindi si ako.
Ang akdang Awit sa Ilog Pateros ang aking unang leksyon sa Filipino, ikatlong antas. Salamat po sa isang napakagandang akda.. :)
Adreilyn:
Salamat din sa papuri.
Meaning po ng second verse sa AWIT SA ILOG PATEROS
Sabi daw po ng guro namin, isa daw pong simbolismo yung pamagat ng tula, tama po ba?
Post a Comment